KINUMPIRMA na ng Commission on Appointments kahapon ang pagtatalaga kay Secretary William Dar bilang Agriculture chief.
Ayon sa ibang mambabatas, “overqualified” pa nga si Dar sa nasabing puwesto.
Sa kanyang pagsalang sa pagdinig, nasagot ni Dar ang ilang isyu at katanungan hinggil sa African Swine Flu, rice importation, irrigation at iba pang isyu na may kaugnayan sa agrikultura.
Nagpasalamat naman si Dar sa mga miyembro ng CA at kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Tinitiyak naman ng kalihim na may sapat na supply ng bigas sa bansa kung saan ipinagmalaki nito na 90% na ang supply at may reserba pang stock para sa 100 days.
Sinigurado naman ni Dar na hindi maaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil hindi lamang P10 bilyon kundi P11 bilyon ang ipanagbibili na lokal na palay ng National Food Authority (NFA) sa ating mga magsasaka.
Nitong Agosto lang nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dar sa Department of Agriculture kapalit ni dating Sec. Emmanuel Piñol na inilipat bilang chairman ng Mindanao Development Authority.
Ang 66-anyos na horticulturist ay ang kauna-unahang direktor ng Philippine Bureau of Agricultural Research noong 1988, at naging direktor din ng Philippine Council for Agricultural Research and Rural Development noong 1994.
Naging director-general din siya ng India-based International Center for Research in the Semi-arid Tropics mula 1999 hanggang 2014. VICKY CERVALES
Comments are closed.