ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang officer-in-charge (OIC) sa pamahalaan.
Sa ipinalabas na kalatas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, magsisilbing OIC si Guevarra mula Hunyo 21 hanggang Hunyo 23 habang dumadalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa 34th ASEAN Summit sa Thailand.
Nakasaad sa kalatas na ang lahat ng gagawing desisyon at aksiyon ni Guevarra ay ituturing na desisyon at aksiyon ng Pangulo.
Comments are closed.