SEC LOCSIN IREREKOMENDANG WAKASAN NA ANG MGA KONTRATA SA CHINESE FIRMS

Teddy Boy Locsin

IREREKOMENDA  ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. na tapusin na ang mga local contract ng mga Chinese firm na mapatutunayang sangkot sa militarisasyon sa West Philippine Sea.

Ito ay kapareho ng naging hakbang ng Estados Unidos na magpataw ng sanction sa Beijing state run firms maging sa visa restrictions sa mga Chinese national.

Sa isang panayam, sinabi ni Locsin na nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Transportation (DOTr) at National Economic and Development Authority upang malaman kung mayroong itong mga ongoing project sa mga Chinese partners na nasa ilalim ng U.S. sanctions.

Samantala, magugunitang naglabas ng pahayag ang Amerika na ginagamit ng China ang kanilang state-owned corporations sa dredging at reclamation ng mahigit 3,000 acres na bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea.

Kamakailan lamang nang sabihin ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mistulang naghahanap ng gulo ang Amerika sa naturang rehiyon. DWIZ882

Comments are closed.