SEC. MARK VILLAR, ‘DI SABIT SA FLOOD CONTROL SCAM

MARK VILLAR

NILINAW ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na walang kinalaman si Public Works and Highways  Secretary  Mark Villar sa mga kuwestiyonableng flood control projects sa Bicol Region.

Ayon kay Andaya, base sa mga naging testimonya ng mga resource person mula sa DPWH regional at district offices sa Bicol sa isinagawang imbestigasyon noong nakaraang Linggo ng House Committee on Rules, lumalabas na may sabwatan sa pagitan ng  DPWH senior officials at kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Pero, duda si Andaya na may kinalaman dito ang DPWH secretary.

Aniya, posibleng blind-sided si Sec. Villar sa ginagawa ng mga DPWH official na sangkot sa flood control.

Dahil dito, umapela si Andaya kay Villar na tulungan ang Kamara na alamin ang mga nasa likod ng maanomal­yang flood control scam.

Sa pagsisiyasat din ng Kamara kaugnay sa bilyong proyekto na flood control scam sa Bicol lumutang din ang paggamit ng dummy contractors ng Aremar Construction na napag-alamang pagmamay-ari ng mga balae ni Diokno.

Nagbabala pa si Andaya na aalamin ng Kamara ang ugat sa pagbuhos ng flood control projects sa mga lugar na hindi naman binabaha at hindi prayoridad. CONDE BATAC

Comments are closed.