INANUNSIYO ng Department of Trade and Industry (DTI) na ipadadala ng Fastboxph ang ikalawang batch ng Philippine mangoes sa Australia ngayong buwan.
Ayon kay Trade Secretary Frederico Pascual, ang hakbang ay lalong magpapalakas sa trade relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Pascual na ang trade levels sa pagitan ng Pilipinas at ng Australia ay lumampas na sa pre-pandemic figures.
Noong 2023 lamang, ang trade volume ay pumalo sa USD4.1 billion, tumaas ng 20 percent increase mula sa USD3.4 billion noong 2022.
“The continued growth in our bilateral trade underscores the vast potential for our products in the Australian market. The successful export of our mangoes exemplifies the significant strides we’re making in facilitating agricultural trade, which is pivotal for our economic agenda,” ani Pascual.
Iniulat ng FastboxPH, ang logistics firm na pinagkatiwalaan sa naunang mango shipment, ang pagtaas ng demand sa Australian market, dahil sa walang katulad na lasa at kalidad ng mangga ng Pilipinas.
Sa pagsunod ng Philippine mango exports sa Australia sa mahigpit na biosecurity regulations, at sa matagumpay na pag-navigate ng documentation at inspection procedures, sinabi ng FastboxPH na nakahanda itong palawigin ang presensiya nito sa buong Australia.
Target ng kompanya na makipagpartner sa marami pang retailers and distributors sa buong bansa upang matiyak ang mas malawak na accessibility ng Philippine mangoes sa Australian consumers.