May mga secret manuscripts daw na natagpuan sa isang Tibetan monastery kung saan kasama ang history of humanity na ang edad ay aabot sa mahigit 10,000 taon!
Mayroon daw 84,000 secret manuscripts (aklat) sa nasabing library ng monasteryong tinatawag na “Sakia (sic) Monastery” at dito matatagpuan ang pinakamalaking library sa mundo na nagtataglay ng distant history of the planet.
Sinasabing kilala naman talaga ang Sakya monastery ng Tibet ay mayroon nga itong library, ngunit hindi ito aabot sa 10,000 taon — kung saan hindi pa gaanong marunong magsulat ang mga tao kaya wala pang gaanong recorded history. Itinayo lamang umano ang monasteryo noong 1073 ni Lama Khon Konchok Gyalpo. Templo lamang ito noong una na nasa dakong norte ng ilog, ngunit wala na ito ngayon — at ang kapalit ay nasa southern temple complex na itinayo naman noong 1268.
Sakya ang isa sa apat na major schools of Buddism at ang library naman ay isa sa mga cultural treasures ng Tibet. Marami itong aklat kasama na ang libo-libong sacred Buddhist scriptures.
Natuklasan raw na may sikretong library sa likod ng dingding na naglalaman ng mahigit 84,000 scrolls.
Ngunit maraming eksperto ang nagsasabing imposibleng magkaroon ang monasteryo ng 10,000 years of human history. Pwede umanong predated ang oldest recorded writing.
Ang oldest known written literature na medyo mahaba ay ang Epic of Gilgamesh (c. 2150-1400 BCE) base sa sinaunang oral Sumerian tale. Tinatayang may tao na sa mundo 300,000 ago, nbgunit na-develop lamang ang pagkakaroon ng recorded history 5000 taon na ang nakalilipas — kaya paanong may nasulat na history of humanity 10,000 years ago?
Pwede rin umanong isinulat ang mga manuskrito sa ibang lugar sa mga naunang panahon. Batas sa maraming scholarly opinions, inimbento sa Mesopotamia (Iraq na ngayon) ng mga Sumerians ang hieroglyphic scripts noong late 4th hanggang early 3rd millennium BC. Hindi sigurado kung paanong nagkaroon ng Egyptian hieroglyphic script, ngunit nauna sa kanila ang mga Sumerians. At iyon ang mga kauna-unahang scriptures.
Kung ang first forms of writing to develop ay ang cuneiform o hieroglypics na iniuukit sa mga matitigas na lclay and stone, nangyari ito sa pagitan ng 3400 at 3300 BC. Ang pinakamaagang maituturing na pagsulat ay 5500 years ago, sa Mesopotamia. Walang ebidensiyang magpapatunay na may paraan na ng pagsulat 10,000 years ago. Ang mas posible ay predated ang mga manuscripts sa monasteryo na alam naman nating itinayo lamang noong 1073. At sakaling nakolekta lamang ito ng monasteryo at itinago sa kanilang library, bakit walang ebidensya ng sistema ng pagsusulat 10,000 years ago?
Gawa sa papyrus ang mga scroll, na sa Egypt naman ginawa 5000 years ago, habang ang early examples ng papel ay 2000 years naman ang edad na natagpuan naman sa China. Approiximately 2500 years ago lamang nagkartoon ng Buddhism. In that case, saan nanggaling ang over 10,000 years history of humanity?
Nenet L. Villafania