LITERAL na pinakain ng alikabok ng liyamadong Secretary ang mga karibal para sa isa sa pinakadominanteng panalo sa 2022 Philracom 2YO Maiden Stakes na ginanap bilang pagpupugay kay dating Philracom chairman at ngayon ay Permanent Philippine Representative to the United Nations, Ambassador Antonio Manuel ‘Tonette’ Lagdameo nitong Linggo sa San Lazaro Business and Leisure Park sa Cavite.
Ratsada and Secretary – mula sa lahi ng Dance City at Romantic Jewel – at alaga ni Joseph Dyhengco mula sa pagbubukas ng ruweda tungo sa maagang dalawang kabayong pagitan sa dalawang nakasabayang Jaguar at Love Radio.
Sa kalagitnaan, napalawig ng Secretary – sa gabay ng multi-titled jockey na na si Jeffril Zarate — ang distansiya para tuluyang iwan ang limang karibal at tanghaling kampeon sa espesyal na torneo ng taon.
Naitala ng alaga ni Ronlad David ang tiyempong 12′-24′-25-27′ para tapusin ang karerang may distansiyang 1400 sa kabuuang 1 minuto at 29 segundo. Naiuwi ng Secretary ang P600,000 premyo.
Pangalawa ang Jaguar, kasunod ang Love Radio at Malibu Bell para sa premyong P225,000, P125,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod-sunod.
“Sinigurado ko lang na gumanda talon ng kabayo ko at pagkatapos nun ay ma-relax ko siya. Sa ultimo kwarto pinitik ko na ‘yung kabayo ko at nag-respond naman at lumayo na kami,” pahayag ni Zarate.
“We expected Secretary to lead from the start, but of course, the threat of the competition was always there. In the end, I guess swerte lang na siguro talagang para sa atin yung panalo,” sambit naman ni horse owner Ronald David.
Pinasalamatan ni Race honoree Ambassador Lagdameo ang Philippine Racing Commission para sa karangalan.
“I’m glad to see horseracing still going strong and I’m looking forward to the further growth of the industry,” sabi ni Lagdameo.
“Una sa lahat, nais kong batiin ang mga nanalong koneksiyon ng Kalihim para sa isang mahusay na trabaho. At siyempre, karangalan nating mag-host ng isang kaganapan na kumikilala sa kahalagahan ng bagong appointment ng ating dating Chairman bilang Permanent Representative ng Pilipinas sa United Nations,” pahayag ni Philracom chairman Reli de Leon.
EDWIN ROLLON