SECURITY GUARD NADAGANAN NG GUMUHONG PADER

SECURITY GUARD

CALOOCAN CITY – NAMATAY ang isang security guard matapos madaganan ng gumuhong pader sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ompong kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na nakilalang si Domingo Peñaflor, 58, stay-in sa 304 Galena St. 9th Avenue, Brgy. 102.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng binabantayan ng biktima sa 304 Galena St. habang nasa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagbabasa ang biktima ng newspaper sa loob ng naturang lugar nang bigla na lamang gumuho ang pader dahil sa lakas ng ulan at hangin na naging dahilan upang mabagsakan si Peñaflor na nagresulta ng kanyang maagang kamata­yan.      EVELYN GARCIA

Comments are closed.