SEED INDUSTRY DEVELOPMENT ACT AMYENDAHAN

Sharon Garin

NAIS ni House Committee on Economic Affairs Chair Sharon Garin na amyendahan ang dalawang dekada nang Seed Industry Development Act o ang Republic Act No. 7308.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 3591 na inihain ni Garin na kung saan ay nais nito na masawata ang proliferation ng unlawful seed lots.

Layunin ng panukala na maprotektahan ang mga magsasaka at ang Philippine seed industry sa sinasabi ng mga private seeds distributors na kumakalat ang mga pekeng seeds o binhi.

Aniya, dahil sa ‘vulnerable’ ang bansa sa climate change kailangan ng ‘drought-tolerant at climate-smart varieties’ para sa mga magsasaka.

Nabatid pa, ang unlawful seed lots ay iyong mga infested ng mga peste o kaya ay infected ng mga sakit na ibinebenta na mga may pinekeng dokumento.

Nakasaad sa panukala ni Garin na mula sa P10,000 gagawing P50,000 ang multa nang sinuman na mapapatunayan na lumabag sa batas ng pagbebenta ng mga unlawful seeds.

Comments are closed.