SEGURIDAD NG LUPA SA VISAYAS ISINULONG NG PCUP

ISA sa mga layunin ng Komisyon sa pamumuno ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairperson & CEO Meynardo A. Sabili ay ang makabuo ng matibay na ugnayan sa mga urban poor organizations (UPOs) upang magabayan sila sa pagsulong ng seguridad sa pagmamay-ari ng lupa at iba pang programang magagamit nila.

Ang Caimito HOA Inc., isang UPO sa Talisay City sa Cebu ay nagnanais makuha ang legal o pormal na pagpaparehistro mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para mapirmahan na ang kanilang Memorandum of Agreement (MOA) sa mga may-ari ng lupang tinitirhan sa pamamagitan ng Direct Negotiated Instalment Purchase (DNIP) at sa tulong ng Talisay City Local Housing Office (LHO).

Kaya naman noong Oktubre 9 sa tulong ni PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) Area Coordinator Argelito A. Guiritan ay naisagawa ng asosasyon ang kanilang Articles of Incorporation, Bylaws at iba pang dokumento para sa registration.

Ipinaliwanag din ni Guiritan ang mga mahahalagang probisyon ng mga dokumentong ito sa mga opisyal at Board of Trustees ng asosasyon na ihaharap para sa ratipikasyon ng mga miyembro.

RUBEN FUENTES