SEGURIDAD NG MGA AMERIKANO SA PHL TINIYAK

Felimon Santos

CAMP AGUINALDO – TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kaligtasan ng mga Amerikano sa bansa.

Ayon Kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Felimon Santos, kasama sa “concerned” ng AFP na walang mangyaring masama sa mga US citizen na nasa Fi­lipinas.

Ito ay matapos na magbanta ang Iran sa Estados Unidos sa pagkakapatay ng kanilang top military commander sa US Airstrike nitong Biyernes.

Kasama aniya sa mga napag-usapan nila sa pagpupulong na pinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo ng gabi ang mga posibleng gawin ng Iran para maghiganti.

Kaya aniya pinalakas ng AFP ang kanilang intelligence monitoring sa mga posibleng maging target sa bansa. REA SARMIENTO

Comments are closed.