NAKAHANDA ang pamunuan ng Philippine National Police na bigyang seguridad ang mga pari at obispo.
Ito ay matapos na mabunyag na tumatanggap ng mga death threat si Caloocan Bishop Virgilio David.
Ayon kay PNP Chief Police Director Gen Oscar Albayalde kung kinakailangan nakahanda silang magbigay ng security personnel sa mga pari at obispo.
Aniya, nag-usap na sila ni Manila Archbi-shop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay nito.
Sa pag-uusap nila, sinumang lalapit sa PNP ay bibigyan ng police escort.
Una nito ay nagpahayag ng pagkabahala si Caloocan Bishop David sa kaniyang seguridad.
Dahil sa mga pagbabantang natatanggap matapos batikusin ang kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyon.
Tumanggi ito sa alok na police security, dahil sa paniniwalang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang unang nagbanta sa kaniya dahil sa kani-yang pagiging kritiko ng war on drugs ng pamahalaan. REA SARMIENTO