SEGURIDAD NG PAMILYA NG MAGUINDANAO MASSACRE VICTIMS HINIGPITAN PA

Nena Santos

MAS hinigpitan pa ang seguridad ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na dadalo sa promulgation ng kaso bukas ngayon.

Ito ang pahayag ni Atty. Nena Santos, isa sa mga private prosecutor sa nasabing kaso.

Sinabi nito na unti-unti nang nagsisidating ang pamilya ng mga biktima ng nasabing massacre para sa pagbaba ng hatol  ngayon  sa Taguig City.

Tumanggi nang idetalye ni Santos ang dagdag na seguridad na ibibigay sa mga pamilya na patuloy na nakatatanggap ng banta sa buhay.

Kasabay nito, tiniyak ni Santos na handang-handa na ang pamilya ng mga biktima  na marinig ang magiging hatol ng korte sa mga akusado partikular sa mga pangunahing suspek na ilang miyembro ng pamilya Ampatuan.

Nagdarasal na lamang aniya silang makakamit na ng mga pamilya ang hustisya sa nasabing kaso. DWIZ882

Comments are closed.