SEGURIDAD PARA SA MEDIA WORKERS TINIYAK

Undersecretary Joel Sy Egco

BENGUET – PINANGUNAHAN ni Undersecretary Joel Sy Egco, executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang seminar na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa Region-1, Region-2, Cordillera Administrative Region (CAR) mula sa pribado at pampublikong mamamahayag sa print at broadcast.

Layunin ng seminar ng PTFoMS na matulungan ang mga lehitimong mamamahayag na pangalagaan ang seguridad ng media workers na biktima ng torture at paglabag sa kanilang karapatang mabuhay, kalayaan at banta sa kaligtasan.

Ipinakilala at ipi­na­­alam ang mga guideline upang maiwasan ang kapahamakan na karaniwang nagiging sanhi ng pagkitil ng buhay ng isang working media.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Atty. Abraham Agamata, Ret. Col. Rechie Duldulao, mga kinatawan ng Commission on Human Rights, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at mga kawani ng LGU sa lungsod ng Baguio.

Ang PTFoMS ay binuo sa ilalim ng makasaysayang Administrative Order No. 1 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong ika-11 ng Octobre 2016, upang tiyakin ang hustisya sa biktima ng media killings.

Tiniyak naman ni Egco na sakop ng guidelines ang mga lehitimong kasapi ng Fourth Estate na tuwiran o hindi tuwirang itinuturing na principal na trabaho ito, na kabilang dito ang correspondent,  reporter, kolumnista, cameraman at photographer sa print, radio at telebisyon.   IRENE GONZALES

Comments are closed.