HINDI madaling magpasa ng batas dahil ito ay dumadaan sa isang mahabang proseso upang siguraduhin na lahat ng konsiderasyon ay napag-aralan ng mabuti bago ito ipatupad. Ganu’n din and nararanasan ng “Ammendments to the Private Security Industry Act” na nag-ing batas noong Hunyo 21, 1969.
“Mag fi-fifty (50) years na simula nang maging batas ito, marami na ang nagbago pero ganu’n pa rin ang batas, sana itong 19th Congress ay maging matagumpay tayo na maitulak ang mga probisyong gusto natin ipasa para sa benepisyo ng ating mga kasamahan na security guards,” ito ang pahayag ni Democratic Independent Workers Association Party-list first nominee, Michael Edgar Yan Aglipay.
Layunin nito ang pagpapalawak ng propesyonalismo ng industriya (security industry) sa pamamagitan ng paghigpit sa mga requirements para sa training at mga sertipikasyon na ibinibigay sa mga ahensiya.
Maiiwasan umano nito ang mga modus operandi na “fly-by-night” na security agencies. Higit pa riyan ay maiaangat ang antas ng mga security guard sa pamamagitan ng pagsiguro na mayroon silang ligtas at malusog na pinagtratrabahuan, istriktong pagpapatupad ng mga labor standard tulad ng incentive leaves, premium pay, overtime pay, holiday pays, night differential, 13th month pay, social security, ang pagpapapahaba ng pag-renew ng lisensya ng security guards, at benepisyong separation pay.
Nakasaad din sa panukalang batas na bigyan ng retirement plan ang mga matagal na naninilbihan na security guards.
Batid na hindi agaran ang pagsasabatas, kaya nagkaroon ng sabay na pagkilos mula kay DIWA party-list chairman dating PNP chief, General Edgar B. Aglipay, PADPAO chairman Ramon Bergado, DOLE, Philippine National Police, Supervisory Office for Security Investigation Agencies (SOSIA) at iba pang mga ahensiya, sa implementasyon ng DOLE Department Order 150-16 o ang “Revised guidelines governing employment and working conditions of security guards and other private security personnel in the private security industry” na bigyan ng parehong benepisyo na nakasaad sa mga ammendments ng batas na ipatutupad ng security agencies para ibigay sa mga security guard.
Comments are closed.