SEGURIDAD SA BUROL NI JUDGE PINTAC TINIYAK NG SPD

SPD-2.jpg

MUNTINLUPA CITY – TINIYAK ng Southern Police District (SPD) na kanilang isesekyur ang burol ni Ozamis City Regional Trial Court Branch 115 Executive Judge Edmundo Pintac sa lungsod na ito.

Ayon kay SPD Director Chief Supt. Eliseo Cruz, nasa Divine Mercy Chapel sa National Road, Barangay Tunasan ang labi ng hukom at tatagal hanggang Oktubre 19.

Pahayag pa ni Cruz, nagbigay na siya ng kautusan kay Senior Supt. Jerry Umayao, hepe  ng Muntinlupa City Police, na magta­laga ng sapat na pu­wersa sa burol ng hukom upang matiyak na payapa ang mga araw ng lamay nito bago ihatid sa huling hantu­ngan.

Kamakalawa ng gabi ay sumilip na sa burol si outgoing Chief Justice Teresita De Castro at nanawagan sa mga awtoridad na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng hukom.

Nabatid na si Pintac ang humahawak sa mga kaso ng drugs at firearms laban kina Nova Princess at Reynaldo Parojinog Jr., na kilala bilang mga kilabot na drug lord sa Northern Mindanao. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.