SEGURIDAD SA CEBU HINIGPITAN NA

SINULOG FESTIVAL

RAMDAM na ang pag­hihigpit para sa seguridad sa Cebu City para sa magiging okasyon dito sa susunod na linggo.

Una nang tiniyak ng organizers ng taunang Sinulog Festival na mahigpit ang seguridad na kanilang ipatutupad sa selebrasyon ng kapistahan ng Santo Niño.

Ayon kay David Tumulak, committee chairperson ng Sinulog Foundation Inc., mahalagang aspeto ang seguridad sa malalaking pagtitipon gaya ng pista, kasunod ng mga banta kamakailan ng terorismo.

Inanunsiyo na rin sa grand launching ng pista noong Biyernes  na ipinatutupad ang malawakang signal shutdown.

Samantala, bumida sa kick-off parade ang mga grupo mula sa PNP, Cebu City local government officials at mga empleyado ng business processing outsourcing industry.

May mga estudyante rin mula sa elementarya hanggang kolehiyo na sumali sa parada mula Basilica Minore del Sto. Niño hanggang Cebu City Sports Center.

Nagpasalamat naman ang organisasyon sa mga nakilahok sa nasabing aktibidad.

Matapos nito ay isang dance competition din na nilahukan ng 14 na paaralan ang ginanap. EUNICE C.

 

Comments are closed.