CENTRAL MINDANAO – PINALAKAS pa ng Philipppine National Police-12 ang seguridad ngayong summer vacation.
Ayon kay PNP-12 regional director B/Gen. Eliseo Tam Rasco, magpapakalat ng mahigit 10,000 pulis at mga force multipliers sa mga lugar na may banta ang seguridad ng taumbayan.
Ang mga pulis ay tutulungan ng may 6,000 mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), traffic enforcement units, security guards at grupo ng mga volunteer.
Ang mga ito ay itinalaga sa mga simbahan, shopping malls, palengke, terminal, community centers, tourist destinations at iba pang matataong lugar.
Ito ay para matiyak ang matiwasay na summer at iba pang mga aktibidad tulad ng Semana Santa, at May 13 midterm election.
Inaasahan din ni Rasco ang pagdagsa ng maraming mga mamamayan sa mga fiesta at iba pang selebrasyon ngayong summer.
Lahat ng mga police stations sa Region 12 ay mayroon nang security plans sa ilalim ng “Ligtas Sumvac” o Summer Vacation 2019.
Hiniling ni Rasco na bagama’t nakahanda ang PNP na labanan ang mga pagbabanta, kailangan pa rin nila ang tulong ng publiko para mapanatili ang katiwasayan sa Soccsksargen.
Comments are closed.