SEGURIDAD SA IKA-2 SONA NI PBBM NAKAHANDA NA

ILANG  araw pa bago ang State of the Nation Adress o (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakahanda na ang puwersa ng pulisya upang siguruhin na mananatili ang peace and order para sa naturang araw.

Bagamat hindi mawawala ang mga makakaliwang grupo na magsasagawa ng mga kilos protesta laban sa pamahalaan.

Kumpiyansa naman ang buong pwersa ng Quezon City Police District patungkol sa seguridad at pagpapanatili ang peace and order sa araw na iyon.

Ayon kay PBGen. Nicolas Torre III, sa kabuuang 6,000 bilang ng mga pulis na idedeploy, nasa 2,500 dito ang mula sa QCPD, 3,500 pulis pa mula sa ibang units habang ang 1,000 naman mula sa AFP, PCG at MMDA at ibang government agencies, at 500 mula sa LGUs.

Sinabi pa ni PBGen. Torre na hindi magiging freedom park ang mga pagdarausan ng rally kung kaya kailangang may permit ang mga grupong nais mag-rally sa panahon ng SONA. PAULA ANTOLIN