SEGURIDAD SA MANILA CATHEDRAL KASADO

DAHIL sa inaasahang pagdagsa ng mga tao ngayong Semana Santa maghihigpit ang seguridad sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay Fr.Reggie Ma­licdem, Rector ng makasaysayang simbahan, pinayuhan sila ng Philippine National Police (PNP) na maghigpit  ng seguridad.

Kasunod ito sa naganap na  pagsabog  sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu noong Enero 27.

Tumugon naman ang Manila Cathedral at pumayag na magtalaga ng mga pulis sa paligid ng simbahan upang matiyak ang kalig-tasan ng mga dadalo sa misa o Visita Iglesia.

Umapela naman si Fr. Malicdem sa publiko na huwag nang magdala pa ng malaking bag sa pagpunta sa simbahan  upang makaiwas sa abala  at pagrekisa ng mga awtoridad.        PAUL ROLDAN

Comments are closed.