SEGURIDAD SA SIMBANG GABI KASADO NA

NAKALATAG na ang ipatutupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi sa Huwebes, December 16, 2021.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nakipag-ugnayan na ang field commanders sa iba’t ibang simbahan para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Aniya,paiigtingin din nila ang pagpapatrolya lalo na sa mga komunidad upang mapigilan ang mga plano ng mga masasamang loob.

Sinabi pa ng PNP Chief na nagsimula nang makipag-ugnayan ang mga field commander sa mga religious leader para masigurong may presensya ng pulis sa pagsisimula hanggang matapos ang simbang gabi.

Una nang inihayag ni NCRPO Regional Director Major General Vicente Danao na gagamit ng yantok ang mga ide-deploy nilang tauhan sa Simbang Gabi.

Ito aniya ay hindi pamalo sa halip para lamang matiyak ang physical distancing. REA SARMIENTO