RIZAL – IPATUTUPAD ng pamahalaang Taytay ang mahigpit na seguridad at tamang paglilinis sa “Garments Capital of the Philippines” sa Disyembre.
Ito ang ipinag-utos ni Taytay Mayor Joric Gacula kay Vic Badaguas, ang pangkalahatang tagapangasiwa ng ‘Taytay Tiangge’ upang maging maayos ang operasyon nito lalo na’t malapit na ang Kapaskuhan.
Inaasahan ang pagdagsa ng mamimili mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa murang presyo ng mga damit, textile, sapatos at maraming iba pa.
Isinailalim sa ‘Discipline Zone’ ang naturang lugar na matatagpuan sa Club Manila East at palibot nito na nangangahulugang kailangang sundin ng mga parokyano ang ipatutupad nilang mga batas.
Sa kasalukuyan, nasa mga lima hanggang pito ang mga organizer na aabot na sa 7,000 mga tenants at patuloy pang dumarami.
Kasama sa Discipline Zone ay ang mahigpit din na pagpapatupad sa “No Helmet Policy.” ELMA MORALES
Comments are closed.