LUMAGO ang sektor ng pangingisda ng 1.8% pagdating sa produksiyon nitong third quarter ng 2019, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan.
Nakita sa report na ang sektor ay nakapagprodyus ng tinatayang 990,140 metric tons (MT) ng Hulyo hanggang Setyembre, tumaas ng 1.8% mula 972,710 MT na prodyus ng parehong panahon ng nagdaang taon.
“The bureau… will continue to improve its implementation of programs and projects as well as come up with effective solutions to sustain this increase in production and improve the lives of our fisherfolk heroes,” pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources National Director na si Eduardo Gongona.
Ito ay naging patuloy na takbo mula sa first two quarters ng 2019, kung saan ang produksiyon ay lumawak sa 1.90% sa second quarter at 0.97% sa first quarter, ayon pa sa PSA.
Nakapag-ambag ang aquaculture subsector ng mas higit pa noong third quarter growth, na nagkaroon ng kuwenta ng halos 50% ng kabuuang prodyus ng pangingisda.
Mas nagkaroon ng pagbabago sa bangus at seaweeds pagdating sa prodyus, na nagdagdag ng 13.1% at 4.8%, ayon sa pagkakasunod.
Mataas na produksiyon ng bangus ang resulta ng pagtaas ng rate ng stock sa aquaculture areas ng Calabarzon at ang mataas na demand para sa frozen at marinated milkfish, diin ng PSA.
Nagkaroon ng pagbabago sa produksiyon ng seaweeds dahil sa pagpapalawak ng lugar ng taniman, ang pagkakaroon ng kapital at paggawa, at ang mataas ng bunga dahil sa paglalagay ng abono.
Lumago ang produksiyon ng skipjack tuna o gulyasan production ng 11.46% sa third quarter kasunod ng mas maraming pagdidiskarga ng mga de lata sa Region 12 at mataas na volume ng huli na nairekord ng mga mangingisda sa bayan ng Zamboanga Peninsula.
Bumaba ang produksiyon ng tilapia at malalaking sugpo sa 6% at 6.9%, ayon sa pagkakasunod, dahil sa kaso ng sulfur upwelling sa Region 4A, at mas mababang supply at mababang kalidad ng P. vannamei fry na nagdulot ng hindi pagkakaligtas ng mga isda.
Comments are closed.