BULACAN – DALAWANG drug pusher na kinabibilangan ng isang security guard ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bulakan Municipal PNP makaraang kumagat sa inilatag na anti-illegal drugs operation sa Barangay San Jose, Bulakan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt.Grace Y. Naparato, Bulakan Municipal Police Chief,ang naarestong sina Rodimar Sinepete y Chua, alias Rod, 23, binata, sekyu at kasamang si alyas Momon, 19, binata, helper, kapwa ng Barangay San Jose, Bulakan na kapwa nakapiit at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Ayon kay P03 Winston Mariano, may hawak ng kaso, dakong alas-7:00 ng gabi nang magkasa ng buy bust operation ang DEU operatives sa pangunguna ni PO2 Jose Simeon Jr. at nagkutsabahan ang dalawang tulak sa pagbebenta ng isang small sized sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money.
Hindi na nakaporma pa ang dalawang suspek nang arestuhin sila ng awtoridad at makumpiskahan pa ng tatlong maliit na pakete ng shabu bukod pa sa buy bust money habang nahaharap ang dalawa sa ka-song pagtutulak at posesyon ng droga bago dinala ang mga ito gayundin ang ebidensya sa Provincial Crime Laboratory Office-Malolos upang sumailalim sa eksaminasyon. A. BORLONGAN
Comments are closed.