SEKYU ‘INALAT’ SA SELOS

baril

LAGUNA -ISANG 25-anyos na security guard ang umano’y niresbakan ng nakaalitan nito sa Brgy. Banlic, lungsod ng Calamba.

Ayon sa ulat ni PLt. Col. Gene Licud, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Jerick Pajaron, may asawa, residente ng Bgy. Banlic, lungsod ng Cabuyao.

Nagtamo ng limang tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima mula sa kalibre 45 baril na ginamit ng tumakas na suspek na si John Paul Flores, 31, ng Cabuyao.

Sa pagsisiyasat ni PSSgt. Ernesto Reyes,alas-9:00 ng gabi nang maganap ang naturang insidente.

Papauwi na ang biktima lulan sa kaniyang motorsiklo matapos makipag-usap  kay Jessica nang barilin ito ng suspek saka tumakas lulan ng motorsiklo. DICK GARAY

Comments are closed.