NORTH COTABATO – PATAY ang isang security guard matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga sa Pikit.
Ayon sa Pikit Municipal Police, nakilala ang biktima na si Michaet t. Apolinario , 38-anyos at residente ng Barangay takepan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sana ang biktima sa kanyang trabaho lulan ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi nakikilalang suspek gamit ang M16 assault rifle..
Nang bumulagta so Apolinario ay umakas ang salarin sa hindi malamang lugar.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa insidente habang wala namang magsalita sa nangyaring pamamaril. EVELYN GARCIA