ISABELA – ARESTADO ang isang security guard makaraang ireklamo ng ilegal na pagpapaputok ng mga residente sa Barangay San Pablo, sa bayan ng San Mariano.
Una nang inakala ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagpapaputok kaya pinaghanda ni Chief Insp. Fredimer Quitteves, hepe ng San Mariano Police Station, ang kanyang mga tauhan upang magtungo sila sa pinanggalingan ng mga putok.
Nakasalubong nila ang barangay official kaya nila nalaman na may isang lalaki na nagpaputok ng baril sa loob ng compound ng sementeryo na kinalaunan ay nakilalang si Mike Chester Pangola, 24, anak ng isang dating sundalo.
Sa pagsisiyasat, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin si Pangola na agad na dinisarmahan at dinala sa pulisya.
Kasong illegal possession of firearms ang maaaring kaharapin ni Pangola. IRENE GONZALES
Comments are closed.