PATAY ang isang sekyu sa rumaragasang gulong na kumalas mula sa isang trailer truck sa Quezon City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Vicente Rapadas na pauwi na sa kanilang bahay galing sa trabaho lulan ng kanyang bisikleta.
Nasapol ito nang rumaragasang gulong na nakalas sa trailer truck kung saan may ilan ding motorista ang nagulungan at bahagyang nasugatan.
Sinasabing mabuti na lamang ay tumama ang gulong sa poste kaya tumigil ito.
Agad naman inaresto ng mga awtoridad ang truck driver na kinasuhan ng simple negligence resulting in homicide and multiple damage to property.
Inamin ng suspek na hindi niya na-check ang gulong ng trak mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan.