SEKYU SA LRT-1 BINUGBOG, CCTV DARAGDAGAN

GUARD LRT

MAYNILA – UPANG matukoy ang kilos ng ­ilang criminal minded na pasahero, magda­ragdag ng CCTV sa mga istasyon ng Light Rail Transit-Line 1.

Ang hakbang ay kasunod ng insidente ng pambubugbog ng lasing na pasahero sa isang guwardiya dito.

Ayon kay Rod Bulario, head of operations ng LRT-1, walang CCTV sa bahagi ng hagdan ng mga istasyon, kung saan nangyari ang pambubugbog ng isang lasing na pasahero sa guwardiya ng Pedro Gil station noong Miyerkoles.

Nananatili namang mahigpit ang seguridad sa LRT-1 at bukod sa security personnel ng tren, may mga pulis din na naka-deploy.

Nanawagan si Bulario sa mga pasahero na sumunod sa polisiya ng LRT, kabilang na riyan ang pagbabawal sa pagsakay sa tren ng mga lasing na pasahero.           PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.