SEKYU TINARAKAN NG BAYAW

saksakan

CAPIZ – GINAGAMOT ngayon ang isang 30-anyos na security guard matapos saksakin ng kaniyang bayaw sa San Jose St., Brgy. Tiza, Roxas City.

Nagtamo ng sugat sa hita ang biktima na kinilalang si Jeniez Cataluña ng nasabing lugar.

Ayon sa biktima nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ng bayaw na si Jovan Tubongbanua at hindi niya inaasahan na sasaksakin siya gamit ang gunting.

Patuloy namang pinaghahanap ang suspek. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.