ZAMBOANGA DEL SUR – PATAY ang isang security guard matapos na barilin ng riding in tandem nitong Huwebes ng gabi sa Pagadian City.
Kinilala ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan na si Junbert Idiang, nasa tamang edad at residente sa lugar.
Sa inisyal na ulat ng Pagadian Police, nakikipag-usap sa telepono ang biktima nang lapitan ito ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.
EUNICE CELARIO