SELEBRASYON NG 2019 NATIONAL YOUTH DAY TINAPOS SA CEBU

NATIONAL YOUTH DAY

Pormal nang nagtapos kahapon ng umaga ang pagdiriwang ng National Youth Day 2019 na idinaos sa Cebu City.

Ang NYD 2019, na sinimulan noong Miyerkoles, Abril 24, ay tinapos sa pamamagitan ng isang banal na misa na pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Gabriele Giordani Caccia, sa Cebu City Sports Center.

Inianunsiyo naman ni Bishop Leopoldo Jaucian, ang chairman ng Commission on Youth, ang kasunduan na ang susunod na NYD ay idaraos sa Archdiocese of Caceres sa taong 2021.

Nabatid na ang NYD ay itinuturing na pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataang Katoliko sa bansa.

Ang katatapos na pagtitipon ngayong taon ay dinaluhan ng may 12,000 pilgrims.

Ang Archdiocese of Caceres ay binubuo ng mga lalawigan ng Camarines Sur, at Naga City at mga munisipalidad ng Gainza sa Bicol region.        ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.