ITINURING ng Philippine National Police (PNP) na mapayapa pangkalahatan ag pagsalubong ng Pinoy sa Bagong taon kahit pa may tatlong naaresto naaresto sa indiscriminate firing, dalawa ang sugatan sa stray bullets at paggamit ng illegal firecrackers.
Sa panayam kay PNP Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, sinabi nito na kahit mayroong dalawang nasugatan dahil sa ligaw na bala, walang major incident o malalang insidente habang nagsasaya ang publiko sa
agpapalit ng taon.
“Ang atin pong overall assessment sa pagsalubong po ng ating mga kababayan sa Bagong Taon ay generally and relatively peaceful po,” ayon kay Maranan.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na mayroong tatlong indiscriminate firing na naitala.
“Maliban po dito sa insidente sa Occidental Mindoro, may dalawa pa po tayong naitalang insidente po ng indiscriminate firing,” ani Fajardo.
Ang indiscriminate firing incidents ay mula sa Occidental Mindoro, Quezon City na ang sangkot ay miyembro ng Philippine Coast Guard at isa ay sa Iloilo na sibilyan.
Ang tatlong sangkot sa pagpaputok ng baril ay arestado na at dinisarmahan.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11926.
Samantala, 36 katao pa ang inaresto dahil naman sa umano’y pagbili, pagbenta at paggamit ng illegal firecrackers. EUNICE CELARIO