SELEBRASYON NG PANAGBENGA FESTIVAL TULOY NGAYONG TAON

PANAGBENGA FESTIVAL

NILINAW ng Baguio City local government na tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Panagbenga Festival ngayong taon.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, tanging ang opening ceremony at street dancing ang kinansela dahil sa banta ng 2019-novel coronavirus.

Ngunit ang ilang aktibidad ang nagpapatuloy tulad ng Baguio in bloom competition kung saan tampok ang mga island sa mga kalsada sa siyudad na punong – puno ng mga bulaklak.

Nakaabang pa rin ang lokal na pamahalaan sa mga susunod na sitwasyon sa nCoV bago desisyunan ang iba pang natitirang aktibidad ng flower festival.

“Tinanong natin kung anong development sa nationals at the same time globally pagdating dito sa virus na ito kasi kung mapapansin niyo mabilis ang pagdami, araw-araw ang bilis ng pagdami, sa pagdami ng nai-infect na tao,” ani Magalong. RIANNE BRIONES-DWIZ882

Comments are closed.