‘GENERALLY peaceful’ o naging mapayapa ang pagdiriwang sa Kapaskuhan.
Ito ang naging pagtataya ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Sa mensahe ni PNP Chief, Police General Debold Sinas, pinasalamatan nito ang mga parokya at mga lokal na pamahalaan dahil sa naging mapayapang pagdaraos ng tradisyunal na simbang gabi sa loob ng siyam na araw.
Bukod pa rito, nagpapasalamat siya sa pakikiisa ng mga dumalo sa simbang gabi sa pinatutupad na health protocols kontra COVID-19 dahi-lan para umayos ang pagbabantay ng mga kawani ng pulisya.
Sa huli, iginiit ni Sinas na nananatiling naka-full alert ang buong puwersa ng kapulisan para mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa nga-yong holiday season.
Comments are closed.