SELEBRASYON NG PASKO PEACEFUL – PNP

Bernard Banac

CAMP CRAME – NAGING mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko, batay sa security assessment ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen Bernard Banac walang naitalang major untoward incident simula noong Christmas Eve hanggang sa mga oras na ito.

Subalit patuloy aniya silang nakaalerto para tulungan ang local government units na ang mga lugar ay sinalanta ng Bagyong Ursula.

Bukod dito alerto rin sila sa posibleng pag-atake ng mga kriminal maging ng armadong grupo dahil sa magkakasunod na pag-sabog sa Cotabato City at Maguindanao.

Ikinagalak naman ng PNP na naging epektibo ang kanilang pagtataas ng alerto sa Luzon at Visayas para matiyak na ligtas ang Kapaskuhan.

Magugunitang ipinag-utos ni PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa na ilagay sa full alert ang police force simula noong Disyembre 15, 6 ng umaga hanggang Enero 7, 2020 ng hatinggabi. REA SARMIENTO

Comments are closed.