BAGO pa man dumating ang buwan ng Pebrero, ang Buwan ng Sining, ay punong-puno na ng iba’t-ibang kaganapan ang iskedyul ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) at abala ang buong organisasyon sa paghahanda hindi lamang para sa Buwan ng Sining, kundi pati na rin sa mga kaganapan sa mga nalalabing araw ng Enero.
Isang malaking pagdiriwang ang PASINAYA 2024, ang pinakamalaking multi-arts festival sa Pilipinas. Naisulat ko na ang tungkol dito noong isang linggo, kaya’t ito ay isang paalala na lamang.
Ang tema ng PASINAYA para sa taong ito ay SULONG, at ito ay magaganap sa ika-3 hanggang ika-4 ng Pebrero 2024. Ang Palabas, Palihan, Palitan, Paseo Museo, at Pamilihan ay magaganap sa mga sumusunod na venue: CCP Front Lawn, Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater), Vicente Sotto Street, at Liwasang Kalikasan. Bukod pa riyan, dadalhin din ang PASINAYA 2024 sa Tagum City at Iloilo City. Mangyaring i-check lamang ang social media accounts at website ng CCP para sa karagdagang detalye at upang makita ang buong schedule ng mga palihan, palabas, at iba pang kaganapan.
Sa ika-27 ng Enero, wag kaligtaan ang “Joy and Daloy,” handog ng Cultural Center of the Philippines at Goethe Institut Philippinen. Tampok dito ang “ItikLandia” at “Babae” ni Joy Alpuerto-Ritter. Magtatanghal ang Daloy Dance Company at si Joy Alpuerto-Ritter mismo.
Isa pang kaganapan sa larangan ng sayaw ay ang Alice Reyes Dance Philippines 2024 Dance Season na malapit nang magsimula. Hindi lamang mga bagong palabas ang handog para sa mga subscribers, makakatanggap din sila ng mga espesyal na bonus gaya ng priority booking, diskwento sa mga merchandise at karagdagang tickets, complimentary souvenir programs, at libreng dance class sa ARDP school. Para sa detalye, mag-email lamang sa [email protected]
(Itutuloy…)