SELF-RELIANT DEFENSE POSTURE REVITALIZATION ACT NILAGDAAN NI PBBM

PIRMADO na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bill no. 2455 o ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act na isang batas na magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa credible defense ng Pilipinas.

Sa ilalim ng Republic Act 12024, isinusulong ang pagbuo ng isang national defense industry at pagkakaroon ng sapat na defense assets at hardware sa bansa sa pamamagitan ng domestic production at manufacturing.

Posible rin umanong lumikha ito ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino.

Layon din ng batas na magkaroon ng preference o pagpili sa Filipino-owned enterprises para sa development, produksyon, o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapon systems, armas, ammunition, combat clothing, armor, vehicles, at iba pang military equipment

Makatutulong din para maging self reliant atvl mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa foreign suppliers, at lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

VERLIN RUIZ