NASAKOTE ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal na nasa likod ng pagbebenta ng pekeng GCash account sa serye ng operasyon sa Bulacan, Pasay at Manila.
Kinilala ng NBI-Cybercrime Division ang mga naaresto na sina Raul Malabon y Dumayan; Jerrica Sarmiento y Triijo; Matthew Daniel Torres at Alexis Alviento y Bagaindoc.
Nag-ugat ang operasyon hinggil sa impormasyon na ilang indibidwal ang nagbebenta ng GCash account sa pamamagitan ng Facebook apps at sa isinagawan surveillance ng NBI-CCD, lumalabas na nagbebenta ng kanyang account sina Principe Larjay, Sarmiento, Francis Lucas at Sixela Alviento.
Bunsod nito, nagsagawa ng entrapment operation ang NBI-CCD sa San Jose del Monte Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Malabon na siyang nasa likod ng pagbebenta ng Facebook account ni Lanay at Sarmiento na ang gamit ay Jemca Sarmiento.
Sunod-sunod din na naaresto ang iba pa tulad ni Torres sa Pasay City na siya nasa likod ng “Francis Lucas” at Alviento sa Manila na nasa likod ng “Sixela Alviento”
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8484 (Access Devices Regulations Act of 1998) in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang mga naaresto na indibidwal. PAUL ROLDAN