SELYO PARA SA “ARAW NG MGA PUSO” INILUNSAD

SELYO

KASABAY ng selebrasyon  ng  Araw ng mga Puso, ang Korporasyong Pankoreo ng Pilipinas (PHLPost) ay naglunsad ng bagong disenyo ng selyo nitong Pebrero.

Ang “Araw ng mga Puso” ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing Pebrero 14 ng bawat taon. Kaugnay nito ang mga roman-tikong gawain katulad ng pagpapadala ng liham at bulaklak sa mga minamahal.

Puso, kalapati, at kupido ang ilang sumisimbolo sa pagdiriwang sa Araw ng mga Puso. Ngayong taon, ang disenyong inihanda ay tinatampok ang “king and queen of hearts” sa pambansang kasuotan upang maipakita ang Filipinong pamamaraan ng selebrasyon sa bansa.

Ayon kay Ms. Eunice Beatrix Uy Dabu na siyang nagdisenyo ng selyo, “Ang hari sa di­senyo ay ibinibigay ang kanyang puso sa kanyang reyna, habang ang reyna naman ay ibi­nibigay ang kanyang pangakong pangmamahal sa hari bilang kapalit”.

Ang selyong nagtatampok sa Araw ng mga Puso ay maaari ng mabili sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office, Li-wasang Bonifacio 1000, Manila at sa mga piling postal areas ng PHLPost.

Comments are closed.