SEMANA SANTA UULANIN

PAGASA-BAGYONG OMPONG

ASAHAN na ang maulang Semana Santa sa susunod na Linggo dahil sa pagpasok ng Bagyong Agaton.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo 130 kilometro Silangan timog silangan ng Guiuan Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas na hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong aabot naman sa 55 kilometro kada oras.

Nakataas naman na sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang mga lugar ng Eastern Samar, Dinagat Island, Siargao at Bucas Grande Island.

Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang bagyong may international name na Malakas na posible ring posible ring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes Santo. BETH C