MAGSASAGAWA ng seminar tungkol sa baking at bakery shop operation ang Golden Treasure Skills and Development Program at ito ay gaganapin sa UPIS School Bldg., A. Ma. Regidor St. cor. Quirino Ave., University of the Philippines, Diliman, Quezon City sa ika-4 ng Agosto, Sabado, sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Matututunan sa maghapong seminar sa pamamagitan ng actual demo at hands-on experience kung papaano mag-bake ng mga pangunahing tinapay at cakes. May kasamang lecture tungkol kung paano magbukas at mag-operate ng isang bakery shop.
Sa aspeto naman ng pagnenegosyo, tatalakayin ang mga paksang dapat na matutunan kung paano itayo ang isang bakery shop—kung magkano ang kapital na kakailanganin ito man ay mapa-home-based o bakery based. Tatalakayin din ang overview ng bakery shop tulad ng kung magkano ang break-even sales at ang sales na dapat na ma-achieve upang kumita ang isang bakery. Gayundin ang paggawa ng feasibility study at sino ang target market. Kasama sa usapan ang safety and sanitation, familiarity sa bakery equipment, utensils at ingredients ng tinapay at cakes.
Magkakaroon din ng actual demo at hands-on sa mga gagawing mga tinapay at cakes tulad ng pandesal, pandesal with fillings, mix pandesal tulad ng malunggay pandesal etc., bitcho-bitcho, doughnut, pan de coco, spanish bread, ensaymada, kababayan, Hopia baboy at monggo, ubi bar, pudding, mamon, piano, inipit, brownies, chocolate cake, butter and mocha cake, at marami pang iba. Kasamang ituturo ang mga bread recycling.
Tatalakayin din ang costing, sourcing of materials at marketing strategy. Ang mga dadalo ng seminar ay pagkakalooban ng certificate of training. Ang tanghalian, snacks, hand-outs, mga raw mats na gagamitin sa hands-on ay kasama na rin.
Para sa reservation tumawag sa 433-9814; 587-4746; 0927-641-4006; 0908-133-7314 o mag-log on sa http://www.GoldenTreasureSkills.ph o i- follow kami sa www.facebook.com/GTSDP.
Comments are closed.