SEMINAR SA MEAT AND FISH PROCESSING AT ICE CREAM MAKING

MAGDARAOS ng isang araw na seminar ang Golden Treasure Skills and Development Program  tungkol sa pagpoproseso ng karne at isda na sinamahan ng paggawa ng ice cream. Ito ay gaganapin sa ika-8 ng Setyembre,  Sabado, sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa UPIS School Bldg., A. Ma. Regidor St., UP Diliman, Quezon City.

Doon sa seminar ay magkakaroon ng hands-on experience kung papaano gumawa ng chicken and pork ham, lechon manok, tocino, longganisa, bacon, chinese sausage, embutido deluxe, pork quekiam, burger patties, beef tapa, fish ball, spanish and tomato sardines, tinapa, tuyo (dried fish) pork and bangus sisig, squid ball, chicken galantina at may bonus course pa sa pagde-debone ng manok at paggawa ng achara.

Ituturo rin kung papaano gumawa ng ice cream na hindi kailangang gamitan ng ice cream maker at freezer na mula doon  ay makagagawa ang  participants ng iba’t ibang flavor ng  ice cream  tulad ng keso, ube,  halo-halo, chocolate at marami pang iba.

Makatatanggap  ang participants ng certificate of training sa pagtatapos ng seminar. Ang tangha­lian, snacks, hand-outs at lahat ng mga materyales na gagamitin sa seminar ay kasama na rin. Ang seminar na ito ay bukas para sa lahat ng nagnanais na pasukin ang negosyong  meat and fish processing at gayundin ang ice cream making.

Para sa reservation tumawag sa ‪433-9814; ‪587-4746; ‪0908-133-7314; ‪0995-273-8518 o mag-log on sa http://www.GoldenTreasureSkills.ph o i-follow ang facebook page sa www.facebook.com/GTSDP

Comments are closed.