SEMINAR SA MEAT AND FISH PROCESSING AT PAGGAWA NG ICE CREAM

MEAT AND FISH PROCESSING SEMINAR

MAGDARAOS ang Golden Treasure Skills and Development Program ng isang araw na seminar tungkol sa pagpoproseso ng karne at isda na sinamahan ng paggawa ng ice cream. Ito ay gaganapin sa ika- 21 ng Hulyo,  Sabado, sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa UPIS School Bldg., A. Ma. Regidor St., UP Diliman, Quezon City.

Magkakaroon ng hands-on experience kung papaano gumawa ng chicken and pork ham, chicken inasal, lechon manok, tocino, longganisa, bacon, chinese sausage, embutido deluxe, pork quekiam, burger patties, beef tapa, fish ball, Spanish and tomato sardine, tinapa, tuyo (dried fish) pork and ban-gus sisig, squid ball, chicken galantina at may bonus course pa sa pagde- debone ng manok at paggawa ng achara.

Ituturo rin kung papaano gumawa ng ice cream na hindi kaila­ngang gamitan ng ice cream maker at freezer na mula doon  ay makagagawa ang mga participant ng iba’t ibang flavour ng  ice cream tulad ng keso, ube,  halo-halo, chocolate at marami pang iba.

Ang mga participant ay makatatanggap ng certificate of training sa pagtatapos ng seminar. Ang tanghalian, snacks, hand-outs at lahat ng mga materyales na gagamitin sa seminar ay kasama na rin. Ang seminar na ito ay bukas para sa lahat ng nagnanais na pasukin ang negosyong ito na meat and fish processing at gayon din ang ice cream making.

Para sa reservation, tumawag sa ‪433-9814; ‪587-4746; ‪0908-133-7314; ‪0995-273-8518 o mag log on sa http://www.GoldenTreasureSkills.ph o i-follow ang facebook page na www.facebook.com/GTSDP

Comments are closed.