MAGDARAOS ang Golden Treasure Skills and Development Program ng seminar sa paggawa ng pizza at shawarma. Ang pinagsamang seminar na ito ay gaganapin sa 9 Anonas Rd., Proj. 3, Quezon City sa ika- 20 ng Pebrero, Miyerkoles, sa ganap na 10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Magkakaroon sa naturang seminar ng actual demo, hands on at food tasting expereince kung saan ay matututunan ng participants kung paano gumawa ng iba’t ibang uri ng pizza crust— ito man ay mapa-thin crust, thick crust, pan pizza at pati na rin ang famous na Pinoy pizza ay ituturo din.
Matututunan din doon kung papaano ang gumawa ng iba’t ibang uri ng mga pizza sauce gaya ng Italian, Pinoy style, at pati na rin ang pang-masa pizza, laing pizza, sisig pizza, pesto pizza, stuffed crust pizza, at mga pizza na mula sa favorite mong topings.
Maliban sa mga pizza, matututunan din ng mga participant kung paano gumawa ng shawarma pati ang paggawa ng sauce ay ituturo rin, tulad ng garlic sauce, tahini sauce, pati hummus at pita bread ay ituturo sa seminar.
Kabilang din sa mga tatalakayin ay ang sourcing of materials costing at marketing strategy at pati mga detalye kung nais mong pasukin ang negosyong ito, tulad ng safety and sanitation, familiarity sa mga equipment na ginagamit, utensils, ingredients, ay ilan lamang sa mga importanteng paksa na itatalakay sa seminar.
Magkakaroon din ng food tasting experience sa lahat ng mga finished product na nagawa at ang mga dadalo ay makatatanggap din ng certificate of training sa pagtatapos ng seminar ang tanghalian, meryenda at mga babasahing nauukol sa pizza at shawarma-making at pati mga raw mats na gagamitin sa hands-on at actual demo ay kasama rin.
Para sa reservation tumawag sa 587-47-46 at 433-98-14; 0995-273-8518 cel. nos. at 0908- 133- 7314 o mag log on sa www.GoldenTreasureSkills.ph o i-like at i-follow kami sa www.facebook.com/GTSDP.
Comments are closed.