SEMINAR SA PAGGAWA NG PIZZA AT SHAWARMA

Pizza and Shawarma

ARALIN ang paggawa ng masasarap na pizza at shawarma.

Ang Golden Treasure Skills and Development Program ay magdaraos ng seminar sa paggawa ng pizza at shawarma. Ang pinagsamang seminar na ito ay gaganapin sa Golden Treasure Skills Training Center sa 9 Anonas Rd., Proj.3, Que­zon City bukas,   Nob­yembre 29  sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Sa naturang seminar  ay  magkakaroon ng actual demo,  hands on at food tasting experience  na kung saan ang mga participant ay   matututunan nila   kung paano gumawa ng ibat-ibang uri ng pizza crust.   Ito man ay mapa-thin crust, thick crust,  pan pizza at  pati na rin ang famous na pinoy pizza ay ituturo rin. Doon ay matututunan din kung papaano ang gumawa ng iba’t ibang uri ng mga pizza sauce gaya ng Italian, Pinoy style, at pati na rin ang  pangmasa pizza, laing pizza, sisig pizza, pesto pizza, stuffed crust pizza, at mga pizza na mula sa favorite mong topings.

Maliban sa mga pizza ay matututunan din ng mga participant kung paano gumawa ng shawarma pati ang paggawa ng sauce ay ituturo rin, tulad ng garlic sauce, tahini sauce,  pati hummus at pita bread ay ituturo rin sa seminar.

Kabilang din sa mga tatalakayin ay ang sourcing of materials costing at marketing strategy at pati mga detalye kung nais mong pasukin ang negosyong ito. Tulad ng safety and sanitation, familiarity  sa mga equipment na ginagamit, utensils, ingredients, ay ilan lamang sa mga importanteng paksa na itatalakay sa seminar.

Magkakaroon din ng food tasting experience sa lahat ng mga finished product at ang  mga dadalo ay makakatangap ng certificate of training sa pagtatapos ng seminar ang tanghalian, meryenda at mga babasahing nauukol sa pizza at shawarma making  at pati raw mats na gagamitin sa hands-on at actual demo ay kasama na. Para sa reservation tumawag sa 3433-98-14;  7587-4746; cel. nos. 0927-641-4006 at  0908-133-7314  o mag-log sa www.GoldenTreasureSkills.ph  o i-like kami sa www.facebook.com/GTSDP. At Instagram

Comments are closed.