MAGSASAGAWA ng seminar sa paggawa ng sabon at pabango ang Golden Treasure Skills Development Program at ito ay gaganapin sa Golden Treasure Skills Training Center, 9 Anonas Rd., Proj. 3, Quezon City sa ika-21 ng Hunyo, Huwebes sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Magkakaroon ng actual demo at hands-on experience kung saan ang mga lalahok ay mismong gagawa ng mga produkto tulad ng liquid dishwashing soap, liquid hand soap, glycerin (transparent soap), dishwashing paste, liquid all purpose, powder soap, fabric softener, car shampoo, tire black, air freshener, carpet shampoo, glass cleaner, at liquid bleach.
Maliban sa mga household at cleaning products ay ituturo rin ang mga body care product tulad ng hand sanitizer, hair shampoo, hand and body lotion, foot spray, foot powder, at marami pang iba.
Ituturo rin ang paggawa ng iba’t ibang uri ng pabango tulad ng perfume spray, cologne spray, gel cologne, body mist at marami pang iba.
Tatalakayin din ang paksa tungkol sa sourcing of materials, costing at marketing strategies. Ang mga dadalo ng seminar ay makatatanggap ng certificate of training sa pagtatapos ng seminar.
Kasama sa package ng seminar ay libreng tanghalian, snacks, at raw mats na gagamitin sa hands-on activity.
Para sa katanungan, tumawag sa 433-9814; 587-4746; 0995-273-8518; 0947-288-8719 o mag-log on sa Home http://www.GoldenTreasureSkills.ph o sundan kami sa aming Facebook page sa Golden Treasure Skills Development Program.
Comments are closed.