SEMINAR SA PAGGAWA NG SABON AT PABANGO

soap-perfume-making

MAGSASAGAWA ng seminar sa soap making na sinamahan ng paggawa ng pabango ang Golden Treasure Skills Development Program na  gagana­pin sa Golden Treasure Skills Training Center 9 Anonas Rd., Proj. 3, Quezon City sa ika-6 ng Abril, Sabado, sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang  alas-6 ng ga­bi.

Doon ay magkakaroon ng actual demo at hands-on experience na lalahukan ng mga mismong gagawa ng mga produkto tulad ng liquid dishwashing soap, liquid hand soap, glycerin (transparent soap), dishwashing paste, liquid all purpose, powder soap, fabric softener, car shampoo, tire black, air freshener, carpet shampoo, glass cleaner at liquid bleach.

Bukod sa mga household at cleaning products ay ituturo din ang  mga body care products tulad ng hand sanitizer, hair shampoo, hand and body lotion, foot spray, foot powder, at marami pang iba. Ituturo rin ang paggawa ng ibat-ibang uri ng mga pabango tulad ng perfume spray, cologne spray, gel cologne, body mist at marami pang iba.

Tatalakayin din ang paksa  tungkol sa sourcing of materials, costing at marketing strategies.  Ang mga dadalo ng seminar ay makatatanggap ng certificate of training sa pagtatapos ng seminar. Mayroon ding tangha­lian, snacks, at mga raw mats na gagamitin sa hands-on na kasama rin sa package ng seminar.

Para sa iba pang mga katanungan, tumawag sa 433-9814; 587-4746; 0995-273-8518; 0908-133-7314 o mag log on sa Home http://www.GoldenTreasureSkills.ph o  i-follow kami sa aming Facebook page sa Golden Treasure Skills Development Program.