SEMINAR SA PAGGAWA NG SABON AT PABANGO

SOAP MAKING

MULING magsasagawa ng seminar sa soap making na sinamahan pa ng paggawa ng pabango ang Golden Treasure Skills Development Program  na gaganapin sa Golden Treasure Skills Training Center 9 Anonas Rd., Proj. 3, Quezon City sa ika-23 ng Abril,  Martes sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang  alas-6 ng gabi.

Magkakaroon ng actual demo at hands-on experience  kung saan ang mga lalahok ay mismong gagawa ng mga produkto tulad ng liquid dishwash-ing soap, liquid hand soap, glycerin (transparent soap), dishwashing paste, liquid all purpose, powder soap, fabric softener, car shampoo, tire black, air freshener, carpet shampoo, glass cleaner at liquid bleach.

Bukod sa mga household at cleaning products ay ituturo rin ang mga body care products tulad ng hand sanitizer, hair shampoo, hand and body lo-tion, foot spray, foot powder, at marami pang iba. Ituturo rin ang paggawa ng iba’t ibang uri ng mga pabango tulad ng perfume spray, cologne spray, gel cologne, body mist at marami pang iba.

Tatalakayin din ang paksa  tungkol sa sourcing of materials, costing at marketing strategies.  Ang mga dadalo ng seminar ay makatatanggap ng cer-tificate of training sa pagtatapos ng seminar. Mayroon ding tanghalian, snacks, at mga raw mats na gagamitin sa hands-on ay kasama na rin sa package ng seminar.

Para sa mga katanu­ngan, tumawag lamang sa 433-9814; 587-4746; 0995-273-8518; 0908-133-7314 o mag- log on sa Home http://www.GoldenTreasureSkills.ph o  i-follow kami sa aming Facebook page sa Golden Treasure Skills Development Program.

Comments are closed.