SEMIS TARGET NG BEERMEN, GIN KINGS

PBa

Mga laro ngayon:

AUF Gym

4 p.m. – San Miguel vs Meralco

6:45 p.m. – Rain or Shine vs Ginebra

PUNTIRYA ng sister teams Barangay Ginebra at San Miguel Beer ang semifinals berth sa magkahiwalay na laro sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup quarterfinals ngayon sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga.

Makakasagupa ng Beermen ang Meralco Bolts sa alas-4 ng hapon, habang makakabangga ng Gin Kings ang Rain or Shine Elasto Painters sa alas-6:45 ng gabi.

Sa pagiging eliminations topnotcher, ang Ginebra ay may win-once advantage kontra Elasto Painters, na nagtapos bilang eighth-seed.

Umaasa ang Kings na makausad agad sa best-of-five semifinals, subalit kailangan nilang malusutan ang parehong koponan na nagtala ng 85-82 overtime win sa kanilang eliminations meeting noong nakaraang  Oct. 27.

Tiyak namang gagawin ng E-Painters ang lahat para mapahaba ang series sa deciding game sa Linggo.

Ang Ginebra ay nakapagpahinga nang husto magmula nang tambakan ang Terrafirma, 102-80, noong Lunes, habang ang Rain or Shine ay galing sa 88-90 pagkatalo sa Phoenix nito lamang Miyerkoles, para sa ika-6 na laro ng E-Painters sa walong araw.

Bago pa man malaman kung sino ang susunod nilang makakalaban, batid ni Ginebra coach Tim Cone ang prayoridad ng kanyang koponan noong wala silang laro.

“The good news is we’re done so we’ve got a few days to rest. So from this day on we could use that to go ahead,” wika ni Cone matapos ang laro kontra Dyip.

“We don’t know who to prepare for so it’s all about taking care of ourselves, making sure we get ourselves ready, making sure we understand the pressure of being the No. 1 seed.”

Inaabangan din ang duelo ng SMB at Meralco, kung saan target ng Beermen ang six-peat habang determinado ang Bolts na makipagsabayan sa kanilang unang all-Filipino playoffs sa loob ng limang seasons.

Subalit ang  pressure ay nasa panig ng Meralco sa pagiging  lower seed na nangangailangang manalo ng dalawang beses para makapasok sa best-of-five semifinals.

Sinabi ni Meralco coach Norman Black na ang ‘desire, determination at defense’ ang maaaring pinakamabisa nilang sandata para masilat ang fourth-seeded Beermen.

Sa kanilang elims faceoff ay nadominahan ng Bolts ang unang tatlong quarters bago kinapos sa payoff period para malasap ang 82-89 pagkatalo.

“Obviously, we have to play good basketball,” sabi ni Black parungkol sa misyon nilang magwagi kontra reigning Philippine Cup five-peat champs.

At least, the Bolts ride the momentum of back-to-back wins as they try to stall the Beermen and force a Game Two decider.

“Hopefully, if you can get the first win, you put a little pressure (on the Beermen),” said Black.

Gayunman ay ipinakikita ng Beermen ang puso ng isang kampeon sa kabila ng pagkawala ni June Mar Fajardo kung saan nariyan pa rin ang kanilang steady stalwarts na sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross at Moala Tautuaa.

Comments are closed.